Boxing champ and Fighter of the Year Nonito Donaire, Jr. announces he’s going to be a father soon

Sa lahat ng mga tagumpay na natamo ni Nonito Donaire Jr. nung nakaraang taon, walang makakapantay sa kasiyahang dulot ng balitang nakarating sa kanya nung taon ding iyon. Ito ay ang balitang malapit na siyang maging ama. Sa panayam ni Nonito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, sa pamamagitan ng Facebook Messenger chat, ibinalita ng four-division world champion na tatlong buwan nang buntis ang kanyang misis at PEP blogger na si Rachel. Nung mismong birthday pa niya, November 16, ibinalita sa kanya ni Rachel na magiging ama na siya. Sabi pa ng kasalukuyang World Boxing Organization (WBO), The Ring Magazine at World Boxing Council (WBC) Diamond Super Bantamweight Champion, parang nabalewala raw ang lahat ng awards at panalo na natamo niya dahil sa balitang ito. “Masaya ako sa lahat ng mga awards and victories sa 2012. Pero parang nabalewala lahat nung sabihan ako ng wife ko na magkakaanak na kami,” kuwento pa ng 30-year-old boxing champion at kasalukuyan ding The Ring Magazine Pound-For-Pound Boxer number-five placer. Kaya raw nung bumalik siya ng Pilipinas nung Disyembre, matapos ang third-round knockout victory niya laban sa Mehikanong boksingero na si Jorge Arce, hindi raw niya kasama ang asawa. “Sinabi nung doctor ni Rachel, delikado yung long travel over five hours. Kasi first trimester lang siya. “Sinabi niya better to rest na lang kasi even when we get to Manila, walang rest. Puro guestings, di ba?” ani Nonito. Mula nga nung dumating ang Boholanong boxing champion, panay ang guest appearance nito sa mga TV at radio shows ng ABS-CBN, kunsaan nagpamalas pa ito ng talento sa pagkanta. Kaninang umaga nga, January 14, sa Kapamilya morning show na Umagang Kay Ganda pa sila ni Rachel nag-announce ng tungkol sa nalalapit nilang pagiging magulang. “Hindi ko kinumfirm [confirm] sa interviews before kasi we were following the tradition of not saying anything until after the first trimester, at siyempre, we should announce it together,” dahilan ni Nonito. CHANGES IN PRIORITY. Sa pagdadalantao ni Rachel, may mga pagbabago ba sa mga plano niyang gawin ngayong 2013. Nasabi na kasi ni Nonito sa mga nauna na niyang interviews noon na balak niyang ulitin ang paglaban ng apat na beses din ngayong taon.

0 comments:

Post a Comment